Sunday, September 7, 2008

a day to remember...


Jeep…

LRT…

Orange na sasakyan…

Mall of Asia

Iceskating rink…

Ice skate…

KFC…

Naghintay…

Naglaro…

Natumba…

Pasa…

Burger King…

Sugat…

Starbucks…

Kotse…

Dilim…

Daldal…

Picture…

Picture…

Picture….

Hahahaha…

RHEJIE QUITCO (toinkzs)

CHARLENE KREZ PAMBID (poingky)

AARON JOHN AQUINO (apo)

MIGUEL CRUZ (mc)

My gosh…

Watta day…

At sobrang daming nangyari…

At masasabi mong isang panaginip lamang ang mga pangyayari…

Sana nga lang nagpatuloy na lamang ako sa pagkakahimbing para hindi na natapos ang isang pangyayaring nanaisin mong ulit-ulitin…

Umaga na pala, at syempre maaga akong nagising…para maghanda sa isang kapanapanabik na bubuuing alaala…Maaring sobra ang paglalarawan ko dito pero ito ang nararamdaman ko…Nagsimula ang lahat ng ito ng kaming tatlo lamang….si Rhejie, si Krez at ako…Sa kauna-unahang pagkakataon nakapaglakbay si Krez sa malayong lugar na gamit lamang ang mga piling pangtransportasyon… tulad ng LRT lingid naman sa kaalaman ng lahat na hindi ito nakakaalis ng kanilang tahanan ng walang dalang sasakyan…nakarating na rin kami sa EDSA station….at bumaba na kami..lakad…lakad…lakad sa hagdan…

At last nasa sakayan na kami ng sasakyang kulay kahel…at kami’y sumakay na…ang saya kaming tatlo lang…an gaming mata’y kung saan-saan dumadapo…lalo na sina Rhejie at si Krez…at ang aming kasiyahan ay nadagdagan ng halos nasa MOA na kami…pagbabang-pagbaba naming nagsimula na kaming maglakad-lakad sa loob…nagpunta muna kami sa Toy Kingdom at dun para kaming mga batang naglalaro sa loob…kumakain pa nga kami ng Cloud 9 habang naglalakad…hanggang sa napagdesisyunan na namin na dumaan na ng iceskating rink…at dun namin natuklasan na pag mas maaga kang pumasok mas mababa ang presyo at dahil mas gusto naming makatipid…ayon grinab namin yung opportunity na iyon…at hind kami halatang excited…para kaming mga batang maliliit na saying-saya na pumasok…at talagang dali-dali naming inayos ang aming gamit at kumuha na ng gagamitin sa pagiiceskate…medyo kabado kaming tatlo kasi naman po ito yung unang pagkakataon na gagawin namin ito…wala ni isa sa amin ang marunong mag-iceskate…ang tibok ng aking puso ay halos marinig ko na sa kaba…baka mamaya maraming tumawa sa amin pag kami’y tumumba…pero sumugod kaming parang isang mandirigma na walang kahit anong bala na dala-dala… wala rin kaming hinandang panangga sa mga bagay na sasalubong sa amin…sinugal namin ang aming buhay para lang matuto ng isang bagay na ngayon lang namin gagawin…weeeeeehhh…

nagsimula kaming kumakapit sa mga gilid…ayaw talaga naming sumugal dahil nananatili an gaming puso na takot...pero ano naman ang mapapala namin kung habang buhay kaming kakapit sa gilid-gilid…

At ayon na nga….para kaming mga ibong nagsimulang ikampay ang aming mga pakpak at nagsimulang lumipad…may takot man sa aming mga puso…sinugod na namin ang masukal na kagubatan ng iceskating rink…makailang beses kaming natumba dahil sa mga punong nakaharang…pero nagpatuloy pa rin kami…bawat bagsak ng aming katawan sa malamig na sahig…hindi kami tumigil…sige lang…sugod lang…pero si Krez…may takot pa rin sa puso…pinipilit namin syang sumubok..pero malaki pa rin ang takot nya…

Ang aming sikmura’y nagsimula ng umangal…at ayun nagdesisyon na kaming kumain…hinanap na namin ang KFC at dahil kinokontak namin sina Aaron at Miguel dahil sila din nama’y tutungo sa MOA…hahah…nagbucket meal kami…(parang ang dami namin eh…bucket p..hahaha..)kami na ang gumastos kasi nahihiya na kami sa me kaarawan…hindi nya alam na ganun yung bibilhin namin…pero enjoy yun…dami namin nilalantakan na pagkain…hahaha…enjoy an gaming pagkain...nguya…nguya…nguya…at nakatapos na rin kami…

Pahinga lang sandali…at ayun nagdesisyon na kaming magsimulang maglakad…naghihintay pa rin kami sa pagdating nina Aaron at ni Miguel…pero tagal nila…nakapunta na kami sa National Book Store…wala pa rin sila…nakabili na kami ng dapat bilhin ni Krez wala pa rin sila…

Nagdesisyon na kaming bumalik sa iceskating rink para magsimulang matuto ulit na magiceskate…hindi na kami natatakot…handa na kaming matumba…at sumugal sa pagiiceskate…lakad…slide…lakad …slide… text dito…text dun… paano naman naghihintay kami kina Aaron at Miguel…ayun patuloy pa rin naming nililibang ang aming sarili sa malamig na lugar na iyon…at patuloy na naghihintay sa mga magigiting na nilalang…pero ang tagal talaga nila…at iyon sila’y dumating na…nakakatawa nga eh…naghahanapan kami…haha…nakita nila kaming natumba at natumba at natumaba…hahaha…tumigil kami sumandali para lang maglakad-lakad sa MOA…lima lang kami…pero naeenjoy namin ang bawat sandali…kung saan-saan kami nakarating…nagpupunta kami kung saan-saan…picture dito…picture dun…lakad dito, lakad dun…nakakatawa kami dahil nagtataguan pa kami na akala mo’y hindi na kami magkikita-kita…para lang tanga di ba?hanggang sa nagutom na ang mga magigiting at ayun kami’y kumain...(sila lang pala, busog pa kasi ako…)hinanap namin sa kasulok-sulukan ng mundo ang Burger King at dun kasi nila nais kumain…pero bago kami nagpunta sa Burger King may ingay kaming naririnig, isang ingay na hindi namin maintindihan kung ano yun…mahirap…dahil nakakasakit ito sa aming mga tenga…at tinunton naming kung san nanggagaling yung ingay…at ito’y aming tinunton…ayun naman pala’y may mga taong nagsisigawan sa hindi namin alam na dahilan…at umalis na kami kaagad sa lugar na iyon at nagtungo na sa Burger King..at natuwa si Rhejie nung makarating kami sa Burger King…bakit? kasi ang pinapakita sa TV ay ang concert ni Beyonce…enjoy tuloy kami…hahahaha…nood…nood…nood…

Well to cut it short…naglakbay na naman kami…naghanap ng isang lugar na ikatutuwa ng lahat…at ito yung lugar na me mga games…(nakalimutan ko na yung tawag sa lugar) at nagsimula na naman mangati ang mga paa ni Rhejie at nag-aya na naman syang mag-iceskate…at ayun iniwan namin silang tatlo…nagtungo na naman kami ni Rhejie kung saan masusubok at masusukat ang aming katatagan bilang isang magaling na iceskater…hahaha..pero si Rhejie ang pinakamagaling…ito yung ikatlong beses naming bumalik ni Rhejie…feeling ko sawa na sa pagmumukha namin yung guard…pero pinatuloy nya pa rin kami…weeeeeeeeeeeeehhh…saya…nagsimula na naman kaming lumusob at subukan ang natatagong talento namin sa pagiiceskate…ayon medyo kaya pang kumapa...hanggang sa nakakilala si Rhejie ng isang nilalang na sa totoo lang hindi ko alam ang kanyang pangalan…at sina Krez, Aaron at Miguel…(hindi ko alam ang nangyayari sa kanila…nageenjoy maglaro..)well ituloy ko na ang kwento…tinuruan si Rhejie ng mahiwagang bata…at pinagmamasdan ko naman sila para naman madagdagan ang aking kaalaman sa pagiiceskate…at least medyo natuto-tuto naman ako…ang saya ni Rhejie nung araw na iyon…hanggang sa di inaasahang pangyayari….natumba sya at ayun sya’y nasugatan….di namin iyon inaasahan…pero si Rhejie naging okey naman…hindi nya masyado ininda ang sakit at hapdi na dulot ng sugat…kaya ayon tuloypa rin ang ligaya…

Syempre lahat ng umpisa ay may katapusan, at lahat ng kwento’y may happy ending…medyo gabi na din at dumating na ang mga magigiting na kawal kasama ang prinsesa…haha…ano ba yun?...tuloy lang…sinundo na kami nina Krez, Aaron at Miguel para umuwi na…at ayun ibinalita na namin sa kanilang may hindi magandang nangyari kay Rhejie…masyado kasing natuwa sa yelo…hahaha…

At ayun nagkaayaan na talagang umuwi…pero bago umuwi…coffee break muna…nagpunta na kami sa Starbucks…hehehe…bumili muna…tapos dinala na ang mga inumin namin….nagtungo na kami sa tapat ng MOA para hintayin ang sundo na maghahatid sa amin sa malabon…at ayun…nagkatuwaan…nagpicture picture muna…hehehe…at ng bigla kaming nagkatuwaan na magpicturan…umarte kaming parang mga pulubi…kinain namin yung dala naming manok sa daan na parang kawawa…weeeee…naenjoy naman namin….hehehe…ang saya talaga…

May mga bagay talaga sa mundo na hindi kayang bilhin ng pera…at isa ito sa hindi kayang bilhin at di kayang tapatan nang kahit anong halaga…isang hindi matularang pangyayari sa aming buhay…isang alaalang hindi mabubura ng kahit anong klaseng pambura…

Sige hanggang dito na lang…Sa bumuo ng kwento na ito….Nawa’y mas maintindihan natin ang ibig sabihin ng kaligayahan sa likod ng hindi…..secret…hahaha…