Friday, August 22, 2008

Liwanag sa Kadiliman...

Sa buhay natin minsan lang tayo makakikita ng mga taong makakapagpaligaya sa atin, kung baga yung mga taong magbibigay ng kulay at liwanag sa lumalamlam na buhay. Pero ano nga ba ang halaga ng buhay kung wala ka namang kasama di ba? para itong isang malaking espasyo na wala naman talagang laman kundi isang walang hanggang kadiliman. Parang kahit san ka lumingon ni kahit konting liwanag eh wala. Pero kailan nga ba ako makakakita ng liwanag na aakay sa akin dun sa liwanag na gusto kong marating. Kailan?

Emo ang salitang halos kumakalat na sa buong mundo. Isang salitang katumbas ng kaibigan ay si Pareng Blade, mga taong mahilig sa pagsugat ng sarili, hilig maghiwa ng sariling pulso, paglalagay ng bangs, pagsusuot ng itim at kung anu-ano pang kakaiba. Pero alam n’yo ba na halos parehas nila ako? Halos gawin ang lahat maging iba lang sa mundo, at halos subukan ang lahat mawala lang sa mundong ito. At kung iisipin ano pa nga ba ako?

O! sandali lang ha….wait…. punta lang ako ng kwarto…..may gagawin lang ako.

Haix!salitang katumbas ng bunting-hininga. Tibok lang ng puso ko at buntung-hininga ang maririnig mo sa apat na sulok ng kwarto ko. Asan nga ba ako? Andun ako nakaupo sa isang sulok ng kwarto ko at halos handang hiwain ang pulso ko, huhuhuhu… dahil nga ba ito sa kanya? Kabanas naman talaga oh! dahil lang sa isang tao na yun, gusto ko na nga talagang mamatay. Ayoko na! Sawang-sawa na ako. Unti-unti kong sinusugatan ang pulso ko. Kinaskas ko ang isang matalas na cutter sa pulso ko parang wala akong maramdaman na sakit, parang manhid ang katawan ko sa sakit. At unti-unti na ring nagdilim ang paningin ko. Alam ko yun na ang huling araw ko sa mundong ibabaw. Habang patagal ng patagal unti-unti ring pumapatak ang mga luha ko sa mata. Pero bakit nga ba? Ano ba talaga ang problema? At unti-unting napapikit ang aking mga mata.

Bakit parang may liwanag akong naaaninag? Ano na ba ito? Langit o impyerno? Hanggang saan ba talaga ang buhay ko? Nandito na ba ako sa langit o nagbibiro lng ang impyerno para maiba naman ang makita ko? Pero nasan nga ba ako?

Hanggang sa nakita ko ang mukha ng mahal kong ina na tumatangis dahil sa ginawa ko, so ibig sabihin lang pala nito buhay pa ako. Hay! Buhay! di pa rin ako matuluyan.

Well, hindi naman ito ang unang pagkakataon na halos kitilin ang sarili kong buhay. Naranasan ko na rin pa lang uminom ng zonrox, at panlinis ng silver, pero bumula lang ang bibig ko at naagapan pa ako. Naranasan ko na rin ang ibitin ang sarili ko sa loob ng comfort room gamit ang kumot, nagkataon naman na mababa lang ito. Nagsabit na rin ako ng leeg ko, paano? tinali ko lang naman yung tali sa taas ng kisame at ibinitin ang sarili, pero biglang pumasok ang nanay ko kaya ayun nabulilyaso, napangiti pa nga ako nung nakita ako eh. Pero halos nasubukan ko ng lahat pero hanggang ngayon wala pa rin. Di pa rin ako mamatay-matay. Bakit kaya? Ano nga ba ang dahilan?

Sa paglipas ng araw at nananatiling nasa ospital pa rin ako. Syempre naman noh dami raw dugong nawala sa akin. Kung di ba naman sila mabaliw ng dahil sa walang hintong pag-agos ng dugo nung nilaslas ko ang sarili kong pulso, pero sa pagkakaalam ko walang masyadong nagmamahal sa akin eh. Pero nung nalaman nila na ginawa ko na naman ulit yun, ayun! pumunta silang lahat sa ospital at natanggap ko ang sandamakmak na prutas at bulaklak. Well… medyo umayos ang pakiramdam ko dahil dami rin palang tao ‘yung mga taong hindi ko lubos maisip na pupunta eh ayun nandun at nagpunta. Pero bakit nga ba sila nandito? Dahil nga ba sa awa lang ba o may dahilan pa silang iba? E kung anuman yun bahala na sila. Wala rin naman akong paki eh.

Paglabas na paglabas ko ng ospital bumalik na naman ako sa dati kong gawi, hindi ang paglalaslas at pag inom ng kung anu-ano, kundi bumalik na naman ako sa pagpasok sa eskwelahan na pinapasukan ko. Ang paaralang halos isumpa ko na dahil lahat ng kamalasan ko sa buhay dito nangyari. Bawat kasawian ng aking buhay ay nakatatak dito sa apat na sulok ng lugar na ito. Sa bawat upuan, isang alaala masama man o hindi, masaya man o malungkot.

Dumating na naman sa point na ninais ko na namang magpakamatay, bakit? Simpleng bagay parang feeling ko I’m lacking of something, parang may hinahanap na naman ako at sa sobrang inis ko dahil di ko makita at mahanap pakiramdam ko ang hirap at pinaka-ayaw koay ang nahihirapan ang sarili ko kaya mas gusto ko na lang mamatay. Pero alam nyo ba kung ano yung mga dahilan nang pagpapakamatay ko? Mga walang kwentang bagay lang. Yung parang pag-nainip ako maiisipan ko nang kitilin ang buhay ko, pag nainis ako, ganun na naman ulit, pag nasawi ang aking puso sa pag-ibig ayun magpapakamatay nako, pag pinagalitan ako atake na naman ako. Haix… ewan ko ba, kailan ko ba maiintindihan ang buhay?at sino ba talaga ang aahon sa akin sa ganitong kasanayan?

Pumunta ako sa comfort room at dun uminom ako ng sandamakmak na pills na pampatulog. Gusto ko inumin ‘yon para pag umepekto na babagsak ako at mababagok ang ulo ko, Pero ayun naabutan na naman ako ulit ng nanay ko. Nakakainis talaga! Di ba nakakabanas ‘yun na lagi na lang bulilyaso. Gusto mo na nga. Ayaw pa rin. Well… siguro nga ayaw pa akong mamatay? At hndi ko alam kung sino ang pumipigil sa akin? Dumating na sana yung panahon na iyon at naiinip na ako. Pero alam mo ba na sa lahat nang paghihirap ko, tanging Diyos lamang ang sinisisi ko dahil sa mga nararanasan ko na halos murahin at sigawan ko sya?

Isang araw sa aking paglalakad ako’y may napansin. Tumatak siya sa aking kamalayan. Nilapitan ko siya at pinilit na kausapin. Habang naglalakad kami kinakausap n’ya rin ako. Hindi lang talaga s’ya maganda, mabait pang talaga. Saan ka naman kasi makakakita ng taong makikipag-usap sa isang hindi mo pa kilala di ba. Siya lang yun. Hiningi ko ang cellphone number n’ya, binigay naman n’ya ‘yun sa akin ng walang pag-aalinlangan. At mula noon lagi na kaming may communication through text or call. Masaya ako pag kausap ko s’ya at mas masaya ako pag nakikita ko s’ya. Ilang beses kaming nagkita ilang beses din kaming nagdate. Sa isip ko nga sana panghabambuhay na ang kasiyahang nararamdaman ko. Pero ang kasiyahang din palang ‘yun ay magtatapos ng ganun na lamang. Isang panaginip lang pala ang lahat. Isang alaala lang ‘yun ng isang napakagandang kasiyahan. Hindi ko alam kung anong gagawin ko ng isang araw na pinakilala n’ya sa akin ang taong mahal nya. Nung una nga inisip ko na kapatid lamang n’ya yung ipapakilala masakit man aminin at masakit man tanggapin… yun ang taong mahal nya ng higit pa sa buhay nya. At sabay sinabi nilang magpapakasal na sila. Masakit man tanggapin, pinilit ko na lang na burahin ang lahat sa aking isipan. Nakangiti ako ng tanggapin ko ang pagkasawi ko pero sa likod ng mga ngiting iyon ay ang hapdi na dulot nito. Nagpaalam ako at nagsabi sa kanya ng “SALAMAT”, sabay dugtong na baka ito na ang huli nating pagkikita. At dali-dali akong umalis dahil maluha-luha na ako. Pinilit kong lokohin ang sarili ko na ok lang talaga ako, pero may pilit na bumubulong sa aking isipan na isa kang sawing nilalang, isa kang nakakaawang tao, bagay ‘yan sa iyo, Loooser!!

Sakto sa aking pag-uwi. Tumakbo ako sa aking silid at dun pinipilit kong isaksak sa aking isipan na to’y isang panaginip pa rin, ang narinig ko isang bangungot lang! Pero hindi pala. Hindi pala basta basta nabubura ang ganung pangyayari.Hindi!hindi!hindi! Lumipas ang oras nang nakaupo lang ako. Ang mga luha ko’y unti-unting pumapatak. At maraming gumugulo sa aking isipan. Pero habang tumatagal sumasakit na ang dibdib at isipan ko. Naghanap na naman ako ng bagay na siguradong kikitil sa buhay ko. Masakit man pero tinuloy ko. Wala na akong magawa. Lahat na lang ng bagay na gumulo sa aking isipan biglang nagbalik sa aking alaala. At dun ay unti-unti ko nang napikit ang aking mga mata.

At sa aking pagpikit, may liwanag na biglang tumambad sa akin. Isang tao ang aking nakita. Isang taong di maaninag ang mukha. At siya ay nagsalita, napakalaki ng boses at ako’y kanyang kinausap. Pinakita n’ya sa akin ang lahat ng bagay na aking ginawa sa mundo. Lahat ng mga bagay na makakapagpapaalala ng aking kasawian at kaligayahan. Pinaliwanagan n’ya ako. At dun unti-unting tumatak sa aking puso at isipan ang lahat. At sinabi n’ya sa akin “bumalik ka na kung saan ka dapat, at dun ay muli kang magsimula. Bumangon ka.sa kinasasadlakan mong kasawian.” Dumilat ang aking mga mata na wala akong makita na tao sa aking paligid. Isang lugar na puro makina lamang ang nandudoon. Masakit ang katawan ko, pero parang iba na ang pakiramdam ko. Parang mas naging masaya na ang puso ko. At biglang lumapit ang aking ina at mga kapatid at dun ko lang mas naintindihan kung ano talaga ang ibig sabihin ng pagmamahal at kasiyahan.

Hindi man ganun kaganda ang mga nangyari sa aking buhay. Marami mang pasakit at hirap ang naranasan. Hindi dapat natin pangunahan ang nais at hangarin ng Diyos sa atin. Masaklap ang buhay, pero sa mga masasaklap na pangyayari na yun may mga bagay pa rin na hihila sa atin para manatili tayong buhay. Ngunit sa paglipas ng panahon, sa mga nangyri sa aking buhay. Minsan nadapa, minsan di makatayo sa pagkakalugmok, at sa huli’y ay magsisimulang bumangon. May mga panahong pakiramdam natin parang wala tayo at nag-iisa. May mga panahong parang ang utak natin eh nasa alapaap. Masakit, mahirap, mahapdi pero masaya. Basta ang alam ko, dito nagtatapos ang paghihirap ko, at ngayon din magsisimula ang bagong araw ng aking buhay... ang buhay na puno ng kulay dahil sa pagmamahal.

2 comments:

[abby012] said...

aus, liwanag sa kadiliman!!!! ahihihi.... napadaan lang... Ingat always monster!!! [abe]

ueng said...

hehe..

tnx sa pagdaan...