Thursday, January 1, 2009

a break up letter...

You,

nagulat ka ba at bigla na lang akong napasulat...

well! gusto ko lang naman na balikan natin ang lahat ng mga nangyaring maganda sa ating dalawa. At kung iisipin naging napakaganda ng ating pagsasamahan....

Naalala mo pa ba yung mga panahong tayo'y naghahabulan sa dalampasigan at hinihintay ang paglubog ng araw.

Natatandaan mo pa ba ang pagaabot ko sa iyo ng mga bulaklak at tsokolate.

Nakatatak pa ba sa puso mo yung pagsigaw ko ng I LOVE YOU sa gitna ng daan para lang malaman mo na talagang sobrang mahala kita.

Oh! di ba natatandaan ko pa yung mga pangyayari na iyon at malamang sa hindi ko makakalimutan ang bawat sandali na iyon.

Maraming nangyari sa atin sa nakalipas at bawat pangyayari na iyon ang tumulong sa akin para dumating sa desisyon na ito...

May mga bagay sa mundo na hindi natin mapaliwanag...at hindi rin natin maintindihan...

Pasensya ka na ha...

Siguro lang napagod na akong magmahal sa iyo...

Siguro nga pagod na rin akong intindihin yung mga bagay na nangyayari sa atin dalawa...

Siguro ubos na ang luha ko kakaiyak para sa iyo dahil sa mga ginawa mo...

Siguro nga hanggang dito na lang talaga...

pero ito ang tandaan mo...

Minahal kita ng sobra...

Minahal kita ng buong puso...

Minahal kita ng hindi na ako naghintay pa ng kahit na ano...

Minahal kita, hindi dahil sa pinilit mo...

Pero may hangganan na lang talaga ang mga bagay bagay...

Sana maging magkaibigan tayo sa kabila ng pangyayari na ito...

I love you pa rin....

Sige baka matuyo na ang mga mata ko at maging manhid na ang puso ko....

Paalam....

Nunca Te Olvidare (kung tama man ang pagkakasulat ko..)

Muli...Te Amo...

Adios aking mahal...

from: Me

a love letter for you...

Dearest dear,

Hello!

Di ba ang ganda ng bati ko, sounds ordinary pero maraming ibig sabihin.
Pero hindi naman talaga iyon ang pakay ko kung bakit gumawa ako ng sulat na ito.
Nais ko lang naman malaman mo na ito ako ngayon, naghihintay na magkita tayong muli
Kasi alam mo bang sobrang miss na miss na kita, parang magigiba ang mundo ko pag hindi kita nakikita, o di kaya pag hindi kita nakakausap parang incomplete ang araw ko.
Alam ko nananawa ka na sa paulit-ulit na sinasabi ko, pero wala naman tayong magagawa kasi paulit-ulit din naman kitang minamahal. Di ba ang korni ko...hehehe...

But then lumipas ang panahon na medyo busy tayong dalawa, lagi na lang akong nakatingala sa langit baka pagtingin ko andun ang mukha mo. Syempre super miss kita.

But then, hindi matutumbasan ng mga bituin sa langit ang presensya mo sa puso ko dahil nakaukit na ito sa pader ng puso ko. Nakatatak na ang mukha mo sa paningin ko. At ipinako ka na sa utak ko.

Mahirap pa lang hindi ka nakikita kasi mas nararamdaman ko ang importansya mo sa akin.

Pero ito lang naman talaga ang gusto kong sabihin sa iyo

Minahal kita noon,
Mahal kita ngayon,
at mamahalin kita hanggang sa dulo ng hininga ko..

Sige dito na lang.
Maya kasi mamiss mo din ako lalo..

wahahaha...

Sige ingatz palagi...

at tsaka nga pala...

Hindi matutumbasan ng kahit anong bagay ang pag-ibig na inalay ko sa iyo..

ILY...
IMY...

Love,

Dearest dear

Friday, December 26, 2008

a sinner's prayer

Dear God,

maraming bagay na ang nangyari sa aking buhay,
at dun may mga bagay na masasabi nating hindi natin inaasahan.
Panginoon, bago magsimula ang dasal ko na ito..
Ibinibigay ko ang taos puso kong pasasalamat sa iyo...
Salamat sa kamay mong mapagkalinga.
Salamat sa puso mong maunawain.
Salamat sa sinag mong gumagabay sa amin tuwing kami'y nasa dilim.
Salamat sa mukha mong nagsisilbing inspirasyon sa amin pag kami'ypagod na sa hamon ng buhay...
Alam ko pong sa dami ng ibinigay nyo sa amin, ito pa rin kami nagpapatuloy gumawa ng di inaasahang mga bagay...
Mga bagay na hindi nararapat sa inyo, at sa kapwa ko...
Alam ko pong lubos ang pagmamahal ninyo sa amin...
pero ito pa rin kami patuloy na nagkakamali...
Alam ko din po namin na hindi dapat maging dahilan na tao lang kami, dahil hindi naman po iyon ang tamang dahilan.

Nawa'y igawad po ninyo sa amin ang kapatawaran na nararapat sa amin.
At dahil po dun ay makapagpatuloy kaming magpatuloy sa nais ninyo.
Nawa'y ituro po ninyo sa amin muli ang tamang daan.
At liwanagan mo ito ng iyong liwanag..

Isa lamang po talaga ang masasabi namin sa inyo.

MARAMING SALAMAT PO PANGINOON sa lahat ng aspeto....

Nawa'y magpatuloy kayong maging gabay namin sa araw-araw...

Amen...

Sunday, September 7, 2008

a day to remember...


Jeep…

LRT…

Orange na sasakyan…

Mall of Asia

Iceskating rink…

Ice skate…

KFC…

Naghintay…

Naglaro…

Natumba…

Pasa…

Burger King…

Sugat…

Starbucks…

Kotse…

Dilim…

Daldal…

Picture…

Picture…

Picture….

Hahahaha…

RHEJIE QUITCO (toinkzs)

CHARLENE KREZ PAMBID (poingky)

AARON JOHN AQUINO (apo)

MIGUEL CRUZ (mc)

My gosh…

Watta day…

At sobrang daming nangyari…

At masasabi mong isang panaginip lamang ang mga pangyayari…

Sana nga lang nagpatuloy na lamang ako sa pagkakahimbing para hindi na natapos ang isang pangyayaring nanaisin mong ulit-ulitin…

Umaga na pala, at syempre maaga akong nagising…para maghanda sa isang kapanapanabik na bubuuing alaala…Maaring sobra ang paglalarawan ko dito pero ito ang nararamdaman ko…Nagsimula ang lahat ng ito ng kaming tatlo lamang….si Rhejie, si Krez at ako…Sa kauna-unahang pagkakataon nakapaglakbay si Krez sa malayong lugar na gamit lamang ang mga piling pangtransportasyon… tulad ng LRT lingid naman sa kaalaman ng lahat na hindi ito nakakaalis ng kanilang tahanan ng walang dalang sasakyan…nakarating na rin kami sa EDSA station….at bumaba na kami..lakad…lakad…lakad sa hagdan…

At last nasa sakayan na kami ng sasakyang kulay kahel…at kami’y sumakay na…ang saya kaming tatlo lang…an gaming mata’y kung saan-saan dumadapo…lalo na sina Rhejie at si Krez…at ang aming kasiyahan ay nadagdagan ng halos nasa MOA na kami…pagbabang-pagbaba naming nagsimula na kaming maglakad-lakad sa loob…nagpunta muna kami sa Toy Kingdom at dun para kaming mga batang naglalaro sa loob…kumakain pa nga kami ng Cloud 9 habang naglalakad…hanggang sa napagdesisyunan na namin na dumaan na ng iceskating rink…at dun namin natuklasan na pag mas maaga kang pumasok mas mababa ang presyo at dahil mas gusto naming makatipid…ayon grinab namin yung opportunity na iyon…at hind kami halatang excited…para kaming mga batang maliliit na saying-saya na pumasok…at talagang dali-dali naming inayos ang aming gamit at kumuha na ng gagamitin sa pagiiceskate…medyo kabado kaming tatlo kasi naman po ito yung unang pagkakataon na gagawin namin ito…wala ni isa sa amin ang marunong mag-iceskate…ang tibok ng aking puso ay halos marinig ko na sa kaba…baka mamaya maraming tumawa sa amin pag kami’y tumumba…pero sumugod kaming parang isang mandirigma na walang kahit anong bala na dala-dala… wala rin kaming hinandang panangga sa mga bagay na sasalubong sa amin…sinugal namin ang aming buhay para lang matuto ng isang bagay na ngayon lang namin gagawin…weeeeeehhh…

nagsimula kaming kumakapit sa mga gilid…ayaw talaga naming sumugal dahil nananatili an gaming puso na takot...pero ano naman ang mapapala namin kung habang buhay kaming kakapit sa gilid-gilid…

At ayon na nga….para kaming mga ibong nagsimulang ikampay ang aming mga pakpak at nagsimulang lumipad…may takot man sa aming mga puso…sinugod na namin ang masukal na kagubatan ng iceskating rink…makailang beses kaming natumba dahil sa mga punong nakaharang…pero nagpatuloy pa rin kami…bawat bagsak ng aming katawan sa malamig na sahig…hindi kami tumigil…sige lang…sugod lang…pero si Krez…may takot pa rin sa puso…pinipilit namin syang sumubok..pero malaki pa rin ang takot nya…

Ang aming sikmura’y nagsimula ng umangal…at ayun nagdesisyon na kaming kumain…hinanap na namin ang KFC at dahil kinokontak namin sina Aaron at Miguel dahil sila din nama’y tutungo sa MOA…hahah…nagbucket meal kami…(parang ang dami namin eh…bucket p..hahaha..)kami na ang gumastos kasi nahihiya na kami sa me kaarawan…hindi nya alam na ganun yung bibilhin namin…pero enjoy yun…dami namin nilalantakan na pagkain…hahaha…enjoy an gaming pagkain...nguya…nguya…nguya…at nakatapos na rin kami…

Pahinga lang sandali…at ayun nagdesisyon na kaming magsimulang maglakad…naghihintay pa rin kami sa pagdating nina Aaron at ni Miguel…pero tagal nila…nakapunta na kami sa National Book Store…wala pa rin sila…nakabili na kami ng dapat bilhin ni Krez wala pa rin sila…

Nagdesisyon na kaming bumalik sa iceskating rink para magsimulang matuto ulit na magiceskate…hindi na kami natatakot…handa na kaming matumba…at sumugal sa pagiiceskate…lakad…slide…lakad …slide… text dito…text dun… paano naman naghihintay kami kina Aaron at Miguel…ayun patuloy pa rin naming nililibang ang aming sarili sa malamig na lugar na iyon…at patuloy na naghihintay sa mga magigiting na nilalang…pero ang tagal talaga nila…at iyon sila’y dumating na…nakakatawa nga eh…naghahanapan kami…haha…nakita nila kaming natumba at natumba at natumaba…hahaha…tumigil kami sumandali para lang maglakad-lakad sa MOA…lima lang kami…pero naeenjoy namin ang bawat sandali…kung saan-saan kami nakarating…nagpupunta kami kung saan-saan…picture dito…picture dun…lakad dito, lakad dun…nakakatawa kami dahil nagtataguan pa kami na akala mo’y hindi na kami magkikita-kita…para lang tanga di ba?hanggang sa nagutom na ang mga magigiting at ayun kami’y kumain...(sila lang pala, busog pa kasi ako…)hinanap namin sa kasulok-sulukan ng mundo ang Burger King at dun kasi nila nais kumain…pero bago kami nagpunta sa Burger King may ingay kaming naririnig, isang ingay na hindi namin maintindihan kung ano yun…mahirap…dahil nakakasakit ito sa aming mga tenga…at tinunton naming kung san nanggagaling yung ingay…at ito’y aming tinunton…ayun naman pala’y may mga taong nagsisigawan sa hindi namin alam na dahilan…at umalis na kami kaagad sa lugar na iyon at nagtungo na sa Burger King..at natuwa si Rhejie nung makarating kami sa Burger King…bakit? kasi ang pinapakita sa TV ay ang concert ni Beyonce…enjoy tuloy kami…hahahaha…nood…nood…nood…

Well to cut it short…naglakbay na naman kami…naghanap ng isang lugar na ikatutuwa ng lahat…at ito yung lugar na me mga games…(nakalimutan ko na yung tawag sa lugar) at nagsimula na naman mangati ang mga paa ni Rhejie at nag-aya na naman syang mag-iceskate…at ayun iniwan namin silang tatlo…nagtungo na naman kami ni Rhejie kung saan masusubok at masusukat ang aming katatagan bilang isang magaling na iceskater…hahaha..pero si Rhejie ang pinakamagaling…ito yung ikatlong beses naming bumalik ni Rhejie…feeling ko sawa na sa pagmumukha namin yung guard…pero pinatuloy nya pa rin kami…weeeeeeeeeeeeehhh…saya…nagsimula na naman kaming lumusob at subukan ang natatagong talento namin sa pagiiceskate…ayon medyo kaya pang kumapa...hanggang sa nakakilala si Rhejie ng isang nilalang na sa totoo lang hindi ko alam ang kanyang pangalan…at sina Krez, Aaron at Miguel…(hindi ko alam ang nangyayari sa kanila…nageenjoy maglaro..)well ituloy ko na ang kwento…tinuruan si Rhejie ng mahiwagang bata…at pinagmamasdan ko naman sila para naman madagdagan ang aking kaalaman sa pagiiceskate…at least medyo natuto-tuto naman ako…ang saya ni Rhejie nung araw na iyon…hanggang sa di inaasahang pangyayari….natumba sya at ayun sya’y nasugatan….di namin iyon inaasahan…pero si Rhejie naging okey naman…hindi nya masyado ininda ang sakit at hapdi na dulot ng sugat…kaya ayon tuloypa rin ang ligaya…

Syempre lahat ng umpisa ay may katapusan, at lahat ng kwento’y may happy ending…medyo gabi na din at dumating na ang mga magigiting na kawal kasama ang prinsesa…haha…ano ba yun?...tuloy lang…sinundo na kami nina Krez, Aaron at Miguel para umuwi na…at ayun ibinalita na namin sa kanilang may hindi magandang nangyari kay Rhejie…masyado kasing natuwa sa yelo…hahaha…

At ayun nagkaayaan na talagang umuwi…pero bago umuwi…coffee break muna…nagpunta na kami sa Starbucks…hehehe…bumili muna…tapos dinala na ang mga inumin namin….nagtungo na kami sa tapat ng MOA para hintayin ang sundo na maghahatid sa amin sa malabon…at ayun…nagkatuwaan…nagpicture picture muna…hehehe…at ng bigla kaming nagkatuwaan na magpicturan…umarte kaming parang mga pulubi…kinain namin yung dala naming manok sa daan na parang kawawa…weeeee…naenjoy naman namin….hehehe…ang saya talaga…

May mga bagay talaga sa mundo na hindi kayang bilhin ng pera…at isa ito sa hindi kayang bilhin at di kayang tapatan nang kahit anong halaga…isang hindi matularang pangyayari sa aming buhay…isang alaalang hindi mabubura ng kahit anong klaseng pambura…

Sige hanggang dito na lang…Sa bumuo ng kwento na ito….Nawa’y mas maintindihan natin ang ibig sabihin ng kaligayahan sa likod ng hindi…..secret…hahaha…


Friday, August 22, 2008

Liwanag sa Kadiliman...

Sa buhay natin minsan lang tayo makakikita ng mga taong makakapagpaligaya sa atin, kung baga yung mga taong magbibigay ng kulay at liwanag sa lumalamlam na buhay. Pero ano nga ba ang halaga ng buhay kung wala ka namang kasama di ba? para itong isang malaking espasyo na wala naman talagang laman kundi isang walang hanggang kadiliman. Parang kahit san ka lumingon ni kahit konting liwanag eh wala. Pero kailan nga ba ako makakakita ng liwanag na aakay sa akin dun sa liwanag na gusto kong marating. Kailan?

Emo ang salitang halos kumakalat na sa buong mundo. Isang salitang katumbas ng kaibigan ay si Pareng Blade, mga taong mahilig sa pagsugat ng sarili, hilig maghiwa ng sariling pulso, paglalagay ng bangs, pagsusuot ng itim at kung anu-ano pang kakaiba. Pero alam n’yo ba na halos parehas nila ako? Halos gawin ang lahat maging iba lang sa mundo, at halos subukan ang lahat mawala lang sa mundong ito. At kung iisipin ano pa nga ba ako?

O! sandali lang ha….wait…. punta lang ako ng kwarto…..may gagawin lang ako.

Haix!salitang katumbas ng bunting-hininga. Tibok lang ng puso ko at buntung-hininga ang maririnig mo sa apat na sulok ng kwarto ko. Asan nga ba ako? Andun ako nakaupo sa isang sulok ng kwarto ko at halos handang hiwain ang pulso ko, huhuhuhu… dahil nga ba ito sa kanya? Kabanas naman talaga oh! dahil lang sa isang tao na yun, gusto ko na nga talagang mamatay. Ayoko na! Sawang-sawa na ako. Unti-unti kong sinusugatan ang pulso ko. Kinaskas ko ang isang matalas na cutter sa pulso ko parang wala akong maramdaman na sakit, parang manhid ang katawan ko sa sakit. At unti-unti na ring nagdilim ang paningin ko. Alam ko yun na ang huling araw ko sa mundong ibabaw. Habang patagal ng patagal unti-unti ring pumapatak ang mga luha ko sa mata. Pero bakit nga ba? Ano ba talaga ang problema? At unti-unting napapikit ang aking mga mata.

Bakit parang may liwanag akong naaaninag? Ano na ba ito? Langit o impyerno? Hanggang saan ba talaga ang buhay ko? Nandito na ba ako sa langit o nagbibiro lng ang impyerno para maiba naman ang makita ko? Pero nasan nga ba ako?

Hanggang sa nakita ko ang mukha ng mahal kong ina na tumatangis dahil sa ginawa ko, so ibig sabihin lang pala nito buhay pa ako. Hay! Buhay! di pa rin ako matuluyan.

Well, hindi naman ito ang unang pagkakataon na halos kitilin ang sarili kong buhay. Naranasan ko na rin pa lang uminom ng zonrox, at panlinis ng silver, pero bumula lang ang bibig ko at naagapan pa ako. Naranasan ko na rin ang ibitin ang sarili ko sa loob ng comfort room gamit ang kumot, nagkataon naman na mababa lang ito. Nagsabit na rin ako ng leeg ko, paano? tinali ko lang naman yung tali sa taas ng kisame at ibinitin ang sarili, pero biglang pumasok ang nanay ko kaya ayun nabulilyaso, napangiti pa nga ako nung nakita ako eh. Pero halos nasubukan ko ng lahat pero hanggang ngayon wala pa rin. Di pa rin ako mamatay-matay. Bakit kaya? Ano nga ba ang dahilan?

Sa paglipas ng araw at nananatiling nasa ospital pa rin ako. Syempre naman noh dami raw dugong nawala sa akin. Kung di ba naman sila mabaliw ng dahil sa walang hintong pag-agos ng dugo nung nilaslas ko ang sarili kong pulso, pero sa pagkakaalam ko walang masyadong nagmamahal sa akin eh. Pero nung nalaman nila na ginawa ko na naman ulit yun, ayun! pumunta silang lahat sa ospital at natanggap ko ang sandamakmak na prutas at bulaklak. Well… medyo umayos ang pakiramdam ko dahil dami rin palang tao ‘yung mga taong hindi ko lubos maisip na pupunta eh ayun nandun at nagpunta. Pero bakit nga ba sila nandito? Dahil nga ba sa awa lang ba o may dahilan pa silang iba? E kung anuman yun bahala na sila. Wala rin naman akong paki eh.

Paglabas na paglabas ko ng ospital bumalik na naman ako sa dati kong gawi, hindi ang paglalaslas at pag inom ng kung anu-ano, kundi bumalik na naman ako sa pagpasok sa eskwelahan na pinapasukan ko. Ang paaralang halos isumpa ko na dahil lahat ng kamalasan ko sa buhay dito nangyari. Bawat kasawian ng aking buhay ay nakatatak dito sa apat na sulok ng lugar na ito. Sa bawat upuan, isang alaala masama man o hindi, masaya man o malungkot.

Dumating na naman sa point na ninais ko na namang magpakamatay, bakit? Simpleng bagay parang feeling ko I’m lacking of something, parang may hinahanap na naman ako at sa sobrang inis ko dahil di ko makita at mahanap pakiramdam ko ang hirap at pinaka-ayaw koay ang nahihirapan ang sarili ko kaya mas gusto ko na lang mamatay. Pero alam nyo ba kung ano yung mga dahilan nang pagpapakamatay ko? Mga walang kwentang bagay lang. Yung parang pag-nainip ako maiisipan ko nang kitilin ang buhay ko, pag nainis ako, ganun na naman ulit, pag nasawi ang aking puso sa pag-ibig ayun magpapakamatay nako, pag pinagalitan ako atake na naman ako. Haix… ewan ko ba, kailan ko ba maiintindihan ang buhay?at sino ba talaga ang aahon sa akin sa ganitong kasanayan?

Pumunta ako sa comfort room at dun uminom ako ng sandamakmak na pills na pampatulog. Gusto ko inumin ‘yon para pag umepekto na babagsak ako at mababagok ang ulo ko, Pero ayun naabutan na naman ako ulit ng nanay ko. Nakakainis talaga! Di ba nakakabanas ‘yun na lagi na lang bulilyaso. Gusto mo na nga. Ayaw pa rin. Well… siguro nga ayaw pa akong mamatay? At hndi ko alam kung sino ang pumipigil sa akin? Dumating na sana yung panahon na iyon at naiinip na ako. Pero alam mo ba na sa lahat nang paghihirap ko, tanging Diyos lamang ang sinisisi ko dahil sa mga nararanasan ko na halos murahin at sigawan ko sya?

Isang araw sa aking paglalakad ako’y may napansin. Tumatak siya sa aking kamalayan. Nilapitan ko siya at pinilit na kausapin. Habang naglalakad kami kinakausap n’ya rin ako. Hindi lang talaga s’ya maganda, mabait pang talaga. Saan ka naman kasi makakakita ng taong makikipag-usap sa isang hindi mo pa kilala di ba. Siya lang yun. Hiningi ko ang cellphone number n’ya, binigay naman n’ya ‘yun sa akin ng walang pag-aalinlangan. At mula noon lagi na kaming may communication through text or call. Masaya ako pag kausap ko s’ya at mas masaya ako pag nakikita ko s’ya. Ilang beses kaming nagkita ilang beses din kaming nagdate. Sa isip ko nga sana panghabambuhay na ang kasiyahang nararamdaman ko. Pero ang kasiyahang din palang ‘yun ay magtatapos ng ganun na lamang. Isang panaginip lang pala ang lahat. Isang alaala lang ‘yun ng isang napakagandang kasiyahan. Hindi ko alam kung anong gagawin ko ng isang araw na pinakilala n’ya sa akin ang taong mahal nya. Nung una nga inisip ko na kapatid lamang n’ya yung ipapakilala masakit man aminin at masakit man tanggapin… yun ang taong mahal nya ng higit pa sa buhay nya. At sabay sinabi nilang magpapakasal na sila. Masakit man tanggapin, pinilit ko na lang na burahin ang lahat sa aking isipan. Nakangiti ako ng tanggapin ko ang pagkasawi ko pero sa likod ng mga ngiting iyon ay ang hapdi na dulot nito. Nagpaalam ako at nagsabi sa kanya ng “SALAMAT”, sabay dugtong na baka ito na ang huli nating pagkikita. At dali-dali akong umalis dahil maluha-luha na ako. Pinilit kong lokohin ang sarili ko na ok lang talaga ako, pero may pilit na bumubulong sa aking isipan na isa kang sawing nilalang, isa kang nakakaawang tao, bagay ‘yan sa iyo, Loooser!!

Sakto sa aking pag-uwi. Tumakbo ako sa aking silid at dun pinipilit kong isaksak sa aking isipan na to’y isang panaginip pa rin, ang narinig ko isang bangungot lang! Pero hindi pala. Hindi pala basta basta nabubura ang ganung pangyayari.Hindi!hindi!hindi! Lumipas ang oras nang nakaupo lang ako. Ang mga luha ko’y unti-unting pumapatak. At maraming gumugulo sa aking isipan. Pero habang tumatagal sumasakit na ang dibdib at isipan ko. Naghanap na naman ako ng bagay na siguradong kikitil sa buhay ko. Masakit man pero tinuloy ko. Wala na akong magawa. Lahat na lang ng bagay na gumulo sa aking isipan biglang nagbalik sa aking alaala. At dun ay unti-unti ko nang napikit ang aking mga mata.

At sa aking pagpikit, may liwanag na biglang tumambad sa akin. Isang tao ang aking nakita. Isang taong di maaninag ang mukha. At siya ay nagsalita, napakalaki ng boses at ako’y kanyang kinausap. Pinakita n’ya sa akin ang lahat ng bagay na aking ginawa sa mundo. Lahat ng mga bagay na makakapagpapaalala ng aking kasawian at kaligayahan. Pinaliwanagan n’ya ako. At dun unti-unting tumatak sa aking puso at isipan ang lahat. At sinabi n’ya sa akin “bumalik ka na kung saan ka dapat, at dun ay muli kang magsimula. Bumangon ka.sa kinasasadlakan mong kasawian.” Dumilat ang aking mga mata na wala akong makita na tao sa aking paligid. Isang lugar na puro makina lamang ang nandudoon. Masakit ang katawan ko, pero parang iba na ang pakiramdam ko. Parang mas naging masaya na ang puso ko. At biglang lumapit ang aking ina at mga kapatid at dun ko lang mas naintindihan kung ano talaga ang ibig sabihin ng pagmamahal at kasiyahan.

Hindi man ganun kaganda ang mga nangyari sa aking buhay. Marami mang pasakit at hirap ang naranasan. Hindi dapat natin pangunahan ang nais at hangarin ng Diyos sa atin. Masaklap ang buhay, pero sa mga masasaklap na pangyayari na yun may mga bagay pa rin na hihila sa atin para manatili tayong buhay. Ngunit sa paglipas ng panahon, sa mga nangyri sa aking buhay. Minsan nadapa, minsan di makatayo sa pagkakalugmok, at sa huli’y ay magsisimulang bumangon. May mga panahong pakiramdam natin parang wala tayo at nag-iisa. May mga panahong parang ang utak natin eh nasa alapaap. Masakit, mahirap, mahapdi pero masaya. Basta ang alam ko, dito nagtatapos ang paghihirap ko, at ngayon din magsisimula ang bagong araw ng aking buhay... ang buhay na puno ng kulay dahil sa pagmamahal.

Friday, August 15, 2008

kawalan....

Nakaupo sa gitna ng kawalan, nag-iisip, nagmumuni-muni, at naghihintay ng magbubukas ng isang liwanag. Hanggang kailan ba ako maghihintay? Hanggang kailan ako magiging mag-isa dito sa mundo ko? Gusto ko lang may umabot ng mga kamay ko at akayin ako tungo sa liwanag na ninanais ko? May magkakagusto bang gawin ito para sa akin? Mayroon ba? Kailan? Sino?

Sabi nila mas gugustuhin daw ng tao na mag-isa, pero ano naman ang mapapala mo sa pagiging mag-isa? Ano kaya ang mangyayari sa buhay mo kapag wala kang makasama?

Nabuhay ako ng walang taong inaasahan, walang taong nilalapitan at taong tinatakbuhan. Ganyan ako! Eh anong pakialam mo? Pag nasaktan ako, hindi ko na gugustuhin na sabihin pa sa iba. Ni hindi ko na susubukan pang makipag-usap sa mga taong nakapaligid sa akin, ayoko silang makasama, mga plastic lang naman sila, mga taong walang magawa sa kanilang buhay kundi manghusga, mang-asar at mangutya. Ewan ko ba? Maiinis lang naman akong kausapin sila.

Kinaiinisan ko ang sarili ko minsan, hindi ko kasi malaman kung bakit ganito ako sa sarili ko at sa kapwa ko. Minsan kasi naiinis ako sa mga taong nakapaligid sa akin, pero nanatiling katanungan pa rin yun sa aking isip, bakit nga ba? Ano bang meron sa kanila at ganito ang pakikitungo sa kanila? Bakit? Bakit? Bakit? Maaring yung mga bagay na nangyari na sa aking nakaraan na hindi ko na maalala, pero nanatiling gumagambala sa aking puso’t isip. Ni hindi man lang maalala ng aking kaisipan kung ano yung mga bagay na iyon.

Minsan naiisip ko na nga lang na “bakit ganito ang buhay ko? Bakit nanatili akong ganito sa kapwa ko? Bakit marami akong bagay na hindi ko maintindihan sa sarili ko?” Hindi ko kasi talaga alam kung paano? Paano makitungo sa kapwa ko. Naiilang at nahihirapan akong lapitan sila. Mahirap para sa akin na gawin ang mga bagay na alam kong magkakamali ako. Mahirap rin para sa akin na ipilit at pilitin ang sarili ko sa isang bagay na talagang hindi naman pupuwede. At pag nagkamali pa ako, sigurado may masasabi pa sila laban sa akin.

Sa totoo lang hindi ko na makita pa ang liwanag na hinahanap ko sa buhay. Yung daang patungo sa tamang landasin. At maggagabay sa akin tungo sa isang tunay na ligaya. Ayoko na ng sakit! Ayoko ng hirap! Ayoko na! Sawang-sawa na ako! Suko na! Tama na! Itama na! Ayoko ng masikip! Ayoko ng putik!

Nawala na nga ba ako ng tuluyan? Hindi ko na kaya pang makita ang daan. Puro putik na ang aking damit at mukha ko’y nadungisan na. Masakit na ang paa ko sa katatakbo palayo mula sa kanila. Masakit na ang isipan ko kakaisip ng paraan para matakasan ang isang madilim na kahapon. Masakit na ang mga palad ko, kakahawak sa mga bagay na nagpapahirap sa akin. Masakit na ang kalamnan ko, pati na ang lalamunan ko kasisigaw. Pagod na pagod na ako, hirap na hirap. Masakit na ang aking puso’t isip, dahil tinarakan ito ng pait. Pait na nagsisilbing balaraw na nakatarak sa kailaliman ng aking puso’t isipan. At nananatiling nagpapaagos ng dugo sa aking kamalayan.

Bawat pahina ng aking buhay ay isang alaala ng tuwa’t pighati. Bawat takbo ng istorya ko’y pagtakas sa isang kahapong kay lupit. Bawat alaala’y nagdadala ng luhang hindi mapigil sa pag-agos.

At hanggang ngayon ang aking buhay ay nananatili pa ring nakatago sa isang lugar na hindi ko malaman kung paano makakalabas. Nananatiling nakaupo sa gitna ng isang dilim. Pero ito pa rin ako at umaasa sa pagdating ng isa o maraming taong hihila sa aking makalabas dito. Sana ay dumating na ‘yung araw na mahatak na ako sa dilim na kinalalagyan ko. Maaaring maghintay na lamang ako sa tamang panahon at tamang pagkakataon.

Saturday, June 28, 2008

mi familia...

my gosh..
hehehe..
lingid naman sa kaalaman ng lahat na may sarili akong pamilya sa loob ng sja...
may mga taong alm ko na masyadong malapit sa aking puso...
iilan lamang sila...
pero napakalaki ng ginagampanan nila sa king buhay at sa aking puso...
sila yung mga taong alam ko kahit anong mangyari....
mamahalin ako...(joke)
masyadong madrama...

maraming tao ang bumubuo sa akin sa loob ng institusyong aking pingtatrabahuhan..
yun yung mga taong sobrang lapit na itinuturing ko ng pamilya..

ang mga anak ko..
apo ko...
kapatid ko...
pamankin ko..
at ang mga kaibigan ko...

may tatlong babaeng sigurong malaki ang naging parte sa buhay ko ito yung mga kaibigan kong sobrang lapit sa akin...
mga baliw kong kaibigan...
na kahit anong mangyari walang iwanan....

sa iyakan, sa tawanan magkasama kami nyang mga yan...
they help me always,
pero most of the time ako ang nakakatulong sa kanila...
hahaha....
yan ang matalik kong kaibigan...
c cheng, rhy, at kat...

mga anak ko...

nagsimula ako sa isang anak...


isang lalaki na napalayo sa kanyang ama ng mahabang panahon...
hanggang sa humantong na tawagin nya akong itay...
Si mikko dionisio hindi ko man tunay na anak...
e talagang parang anak ko na...
gulo noh...
hehe..
pero mabait ang anak kung ito...
matigas nga lang ang ulo..
hahaha....
pero sa totoo lang..
sobrang love ko ito...


sumunod ay isang maputing babae na sobrang napalapit sa aking puso...
hindi man laging nagsasabi ng problema (ayaw nya kasi akong namomreblema)..
sobrang love q xa...
as in...
ang pangalan nya ay amanda...
namimiss q n nga sya eh..
kahit ngkikita kami lagi...
di na kasi nya ako masyado nahhug...
hahah..
pero lagi kami ngsasabihan ng i love you...


matigas an ulo...
yan ang pagkakakilala ng iba sa kanya...
pero ano nga ba ang meron sa kanya at naging anak ko siya..
pangatlo siya sa naging anak ko...
matigas ang ulo..
pero once na pagsabihan mo....
makikinig naman sa iyo...
lahat ng tao nagbabago...
at isa sya sa nakakitaan ko nun...
yan si matthew geronimo....

hindi pa ito tapos...

to be continued...